Categories
Medium-Filipino Poems Random Thoughts

Ikaw at ang Iyong Numero

 

 

Ako’y unti-unti nang bumabangon

Umaakyat at dahan dahang umaahon

Kaya’t huwag na huwag kang tatawag

Kahit na pabulong

Dahil baka ako ay lumingon

At muling mahulog

Kung saan ka naroon

Tulungan mo ‘kong limutin ka

Ang nakaraan huwag nang ipaalala

Araw-araw  na laging masaya

Noong tayo ay magkasama

Tulungan mo ‘kong limutin ka

Itatak sa utak, wala nang pag-asa

Itato sa noo, wala na talaga

Dapat ka nang kalimutan, laging ipaalala

Itapon mo na ang iyong telepono

O kaya’y ipanakaw mo

Baguhin mo na pati numero

Huwag ipost sa facebook yung bago

Nang di ko na makabisado

Kung walang pambili magbibigay ako

Ililista sa tubig ang utang mo

Madaling kalimutan ang kung anu-ano

Pero mahirap kalimutan

Ikaw at ang iyong numero

Tulungan mo ‘kong limutin ka

Sabihing “Ikaw, sa aki’y di mahalaga”

Kung ito ay di uubra

Mabuti pa sigurong magka amnesia

Tulungan mo ‘kong limutin ka

Turuan mo ‘kong magmahal nang iba

Utusan mo ang isip ko at kaluluwa

Dapat ka nang kalimutan, laging ipaalala

8 replies on “Ikaw at ang Iyong Numero”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s