Categories
Medium-Filipino Poems Rotary Family SPEJA

SPEJA Pagsulat ng Tula Winners

Third Place

Pilipino, Bangon Na!!!

by Michelle M. Albano

.

Aking pagsamo dito sa mundo

Nawa’y tinig ko ay pakinggan mo

Damdamin ko na may kinikimkim

Dulot nitong pusong nagninimdim

.

Antas ng tao hindi pantay-pantay

May mahirap hanggang mamatay

Mga mayayaman habang buhay

Hay… Nakalulungkot nga namang tunay

.

Ang aking tinig na di marinig

Impit ‘pagkat walang nakikinig

Mga kababayan ko, tayo na

Halina’t tayo’y magsama-sama

.

Lahat tayo’y di dapat mangamba

Posas, kadena, ay kalagin na

Iwan ang lungkot at pagdurusa

Ikaw at ako ay lalaya na

.

Second Place

Ang Anak sa Haligi

Lee Ann Q. Catacutan

.

Kay tagal nang lumipas ang oras

Naghihintay sa loob ng rehas

Nagbabakasakaling makalabas

Na ikaw mismo ang magbubukas

.

Mga hikbi, Ina’y ang nagpawi

Ala-alang di maitatanggi

Pagsubok mo ay di mawawari

Dapat diyan ay ipagpunyagi

.

Eskwelahan man ‘tay, ‘kaw ang hanap

Bitbit man amam nila sa harap

‘di ako maiinggit nang tapat

‘pagkat ika’y nasa pusong sapat

.

Sana’s magalak sa gawang ito

Ako’y maghihintay sa iyo

Siguraduhing sa pagdating mo

Medalya ko’y iaalay sa ‘yo

.

First Place

Kabataan, Asan Ka Na Nga Ba?

Kim Elizabeth V. Maxwell 

.

Oh, Kabataan iyong pagmasdan

Ang iyong mundong ginagalawan

Tinalikuran ang ating Diyos

Upang luho’y masunod nang lubos

.

Kabataan ako’y nagtataka

Ikaw ay nakita sa balita

Nagnanakaw ng gamit ng iba

Isang gabi sa may eskinita

.

Kabataan, asan ka nga ba?

Ikaw na dapat ang magkukusa

Bumangon sa pagkakasala

Sabi nga ni Inay, May bukas pa

.

Iyong tandaan, Oh Kabataan

Pagmamahal ng Diyos ating Ama

Ipalaganap, gawain Niya

At mabuhay sa pag-ibig Niya 

One reply on “SPEJA Pagsulat ng Tula Winners”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s