Categories
Medium-Filipino Poems

Tahanan

Malayo na ang aking narating

Malalim na ang aking nasisid

Mataas na ang aking nalipad

Pero isa lang ang babalikan

Doon kung saan ako tatahan

Piinakamamahal kong tahanan

.

Naikot ko na ang buong mundo

Nakilala iba’t ibang tao

Subalit  wala pa ring tatalo

Sa mga nakaugalian ko

Aking pakikipagkapwa-tao

Aral at turo ng magulang ko

.

Nasisid ko na ang karagatan

Hanggang sa kaila-ilaliman

Ang kayamanan ay walang hanggan

Kagandahang walang katapusan

Subalit lulutang at lulutang

Upang makabalik sa tahanan

.

Nahukay ko na ang kalupaan

Ginto, pilak, tanso’y nasumpungan

Mga diyamanteng kumikinang

Ang kislap ay di matatawaran

Subali’t ako’y naliwanagan

Sinundan ang ilaw ng tahanan

.

Tila ako’y walang kasiyahan

Paglalakbay, walang kapaguran

Ako’y nagsawa sa kamunduhan

Pinag-initan ang kalangitan

Ako ay nakarating sa buwan

Pero bumalik din sa tahanan

.

Ang mundo daw ay may katapusan

Ako ay naghanap ng kahalang

Mars naman ang pinagdiskitahan

Subalit ako’y nabigo lamang

Umiyak sa sobrang kalungkutan

Ako ay umuwing nagdaramdam

.

Upang ang pagbagsak ay maiwasan

Haligi ng tahanan ang tinuunan

Inang naghihintay sa tahanan

Ako ay kanyang pinaliwanagan

Pamilya mo’y nag-iisa lamang

Tahan na anak, Ika’y tumahan

.

Ang tulang ito ay aking lahok sa Saranggola Blog Awards 4

Sa pakikipagtulungan ng:

4 replies on “Tahanan”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s