Categories
Medium-Filipino Poems

Tahanan

Malayo na ang aking narating

Malalim na ang aking nasisid

Mataas na ang aking nalipad

Pero isa lang ang babalikan

Doon kung saan ako tatahan

Piinakamamahal kong tahanan

.

Naikot ko na ang buong mundo

Nakilala iba’t ibang tao

Subalit  wala pa ring tatalo

Sa mga nakaugalian ko

Aking pakikipagkapwa-tao

Aral at turo ng magulang ko

.

Nasisid ko na ang karagatan

Hanggang sa kaila-ilaliman

Ang kayamanan ay walang hanggan

Kagandahang walang katapusan

Subalit lulutang at lulutang

Upang makabalik sa tahanan

.

Nahukay ko na ang kalupaan

Ginto, pilak, tanso’y nasumpungan

Mga diyamanteng kumikinang

Ang kislap ay di matatawaran

Subali’t ako’y naliwanagan

Sinundan ang ilaw ng tahanan

.

Tila ako’y walang kasiyahan

Paglalakbay, walang kapaguran

Ako’y nagsawa sa kamunduhan

Pinag-initan ang kalangitan

Ako ay nakarating sa buwan

Pero bumalik din sa tahanan

.

Ang mundo daw ay may katapusan

Ako ay naghanap ng kahalang

Mars naman ang pinagdiskitahan

Subalit ako’y nabigo lamang

Umiyak sa sobrang kalungkutan

Ako ay umuwing nagdaramdam

.

Upang ang pagbagsak ay maiwasan

Haligi ng tahanan ang tinuunan

Inang naghihintay sa tahanan

Ako ay kanyang pinaliwanagan

Pamilya mo’y nag-iisa lamang

Tahan na anak, Ika’y tumahan

.

Ang tulang ito ay aking lahok sa Saranggola Blog Awards 4

Sa pakikipagtulungan ng:

Categories
Medium-Filipino Poems Random Thoughts Tanka

Tanka Filipino 2: Petiks

Laptop sa harap

Yahoo, Google at WordPress

Alt Tab kaagad

MS Excel at Access

Bisor ang nasa likod

Categories
Haiku Medium-Filipino Poems Random Thoughts

Hai(na)ku 2: Blank Page

Tasa ng kape

Lapis, papel at yosi

Utak na blangko

Categories
Medium-Filipino Poems Random Thoughts Tanka

Tanka Filipino 1: Cybercrime Law

Ang Cybercrime Law

Bakit ba minadali?

Ba’t di napansin?

Libel ay isiningit

Tan(ga)ka ba Senado?

“Tanka, the 5-line lyric poem of Japan is quickly becoming popular in the English-language poetry community. Like haiku, its shorter cousin, tanka usually is well-grounded in concrete images but also is infused with a lyric intensity and intimacy that comes from the direct expression of emotions, as well as from implication, suggestion, and nuance. If you already write haiku and have ever wanted to add commentary to your verses, tanka is the form for you! The tanka aesthetic is broad and all-encompassing. You can write on virtually any subject and express your thoughts and feelings explicitly.” – www.tankaonline.com

 

Categories
Haiku Medium-Filipino Poems Random Thoughts

Hai(na)ku 1

.

….

….

……………….

Pasok Ideya

Lipad ng Saranggola

Masimulan na

Categories
Humor Medium-Filipino Random Thoughts Reposts

Just for Laughs

Ito ay koleksyon ng mga tanong at sagot sa “Willie of Fortune” sa programang “Wowowee”. Na-grab ko lang ito  sa facebook. Naka- JPEG format yung original kaya mahirap basahin at hindi masyadong makakuha ng atensyon. Dahil sa pagshe-share at pag-ga-grab, nawala na ang intellectual right ng orihinal na may-ari. Kung sino ka man, maraming salamat.

.

T= Tanong

S=Sagot

.

T: Ano sa tagalog ang teeth?

S: Utong

.

T: Kung ang light ay ilaw, ano naman ang lightning?

S: Umiilaw

.

T: Kung vegetarian ang tawag sa kumakain ng gulay, ano tawag sa kumakain ng tao?

S: Humanitarian

.

T: Sina Michael at Raphael ay mga…

S: Ninja

.

T: Ano ang karaniwang kasunod ng kidlat?

S: Sunog

.

T: Magbigay ng sikat na Willie

S: Willie the Pooh

.

T: Ang mga Hindu ay galing sa anong bansa?

S: Hindunesia

.

T: Anong hayop si Kingkong?

S: Pagong

.

T: Magbigay ng mabahong pagkain

S: Tae

.

T: Saang bansa matatagpuan ang Canadians?

S: Canadia

.

T: Kumpletuhin: Little Red…

S: Ribbon

.

T: Ano ang tinatanggal sa itlog bago ito kainin?

S: Buhok

.

T Magbigay ng pagkain na dumidikit sa ngipin

S: Tinga

.

T: Anong oras kadalasang pinapatay ang TV?

S: Pag balita

.

T: Ano ang tawag sa anak ng taong grasa?

S: Baby oil

.

T: Saan karaniwang ginagawa ang mga sweets na ginagamit sa halu-halo?

S: Sweetserland

.

T: Sinong higanteng G ang tinalo ni David?

S: Godzilla

.

T: Ano ang mas malaki, itlog ng ibon o sanggol ng tao?

S: Itlog ng tao

.

T: Anong S ang tawag sa doctor na nag oopera?

S: Sadista

.

T: Blank is the best policy

S: Ice Tea

.

T: Saan binaril si Jose Rizal?

S: Sa likod

.

T: Fill in the blank:  Beauty is in the eye of the…

S: Tiger

.

T: Ano ang kinakain ng monkey-eating eagle?

S: Saging

.

T: Kung ang suka ay vinegar, ano naman ang toyo?

S: Baliw

.

T: Ano ang tawag mo sa kapatid ng nanay mo?

S: Kamag-anak

.

T: Saan nakukuha ang sakit na AIDS?

S: Sa Motel

.

T: Kung ang H2O ay water, ano ang CO2?

S: Cold Water

.

T: Sinong cartoon character ang sumisigaw ng “yabba dabba doo”?

S: Scooby Dooby Doo

.

T: Heto na si Kaka, pabuka-bukaka…

S: Operadang bakla

.

T: Ilan ang bituin sa American Flag?

S: Madami!

.

T: Ano ang tawag sa taong isa lang ang mata?

S: Abnormal

.

T:  Natawa ka ba?

S:  ?

Categories
Medium-Filipino Random Thoughts

HAPPY BIRTHDAY ROY ROMAN RUIZ VENUS II

(Since Facebook and Twitter are blocked domains in my office. Since WordPress is not. Since my WordPress posts are automatically tweeted.  Since my tweets are automatically facebooked.)

Since it’s your birthday, pakain ka na.

Since when ka huling nagpakain?

Pitsi-pitsi?

Cassava Cake?

Footlong?

Tuna Sandwich?

Happy 30th Birthday!

Hahahaha!

Categories
Medium-Filipino Poems Random Thoughts

Juan Tamad

Image
image via thenoynoylibrary.wordpress.com

Nakakatamad magsulat ng tula

Kayhirap maghanap ng tugma

Puwede ngang manaludtod nang malaya

Walang sukat, walang tama

Kalalabasan ay wala

Nakakatamad maghabi ng istorya

Pagkatapos basahin, sasabihin ay walang kuwenta

Kapag nag-iisa, lalo lang nakapagdurusa

Wala namang oras kapag nagsasaya

Nakakatamad gumawa ng kanta

Kalalabasan ay may kapareho ng melodiya

Kasi naman walo lang ang ginagamit na nota

Do re mi fa so la ti do, wala na bang iba?

Gusto ko sanang lumikha ng isang awitin para sa ‘yo.

Ngunit ako’y tinatamad.

Categories
Medium-Filipino Poems

Nganga

Bunganga na nakanganga

Nakatunganga, parang tanga

Panga na parang banga

Tinga ng linga, nakasunga

Singa lang ang pahinga

Sa pagnganga, nganga, nganga

Sanga-sangang bunga

Bungang sanga-sanga

Kung anu-anong sumasalingatngat

Sa ampaw na utak-biya

Sanga-sangang bunganga

Bungangang sanga-sanga

Kung anu-anong pumapasok at lumalabas

Sa butas ng tainga

Palinga-linga

Patunga-tunganga

Tumatakbo ang oras

Nang walang ginagawa

Kung hindi ngumanga

Nganga, nganga, nganga

Bukas o makalawa

Sisimulan ko na

Maghanap ng trabaho

At nang may magawa

Gamitin ang utak, kamay at paa

At nang maging abala

Hindi puro nganga

Weh, di nga?

Categories
Medium-Filipino Short Stories

Tagpuan (Pana-panahon, The Sphere, August 2003)

.

Lumalamig na ang simoy ng hangin.
Bagama’t nakaaaliw pagpakuan ng pansin ang mala-dalandang araw sa gitna ng pinaghalu-halong kulay ng papawirin at ang manakanakang pagsimbad ng mga layang-layang sa kating dalampasigan, parang ako’y nawawalan na ng pag-asang ikaw ay sisipot pa sa dati nating tagpuan.

.
May tatlong oras na rin akong naghihintay. Siguro kung naipon ko lamang lahat ang mga maliliit na sihay na aking nadaanan habang namamaybay, kukulangin ang isang bayong upang maisilid ko iyon at sa iyo ay maialay.

.
Sangkapat na lamang ng araw na dahan-dahang nagtatago sa tangway ng Calatagan ang aking natatanaw. Malapit na ring lamunin ng karimlam ang aking panoorin. Sana naman ay makita ko kahit anino mo man lamang, bago magtaog at tuluyang mabasa ang nakatupi kong salawal.

.
Ang liwanag ng araw ay inagaw na ng buwan at mga bituin, ng mga kinkeng de gaas at mga mumunting kislap na animo’y alitaptap sa ilalim ng dagat. Ngunit tila yata hindi magaganap ang pagkutitap ng iyong mga mata sa oras na sadyang kinakailangan.
Kailangang masilayan kita bago ako lumuwas ng Maynila.

.
Kasalanan ko bang hindi ako nagging palahayag ng aking damdamin noon?

.
Kasalanan ko bang kailangan mo pang itanong na “Mahal mo ba ako?”, bago ko masabing “Mahal na mahal kita.”?

.
Kasalanan ko bang timbangin ko ang aking pag-aaral at ang pag-iibigan natin?

.
Kasalanan ko bang paghintayin kita sa aking pagbabalik at paghahayag ng matagal nang ini-ensayong linya?

.
Oo na. Ako na nag may kasalanan. Ngunit nasaan ka na ngayon? Bakit kailangang pagpasakitan mo ako nang ganito?

Lampas-tuhod na ang tubig-dagat. Naiinggit na tuloy ako sa ilog sa di kalayuan sa likuran ko na maya-maya lamang ay makikipagniig na sa dagat sa pinag-usapan nilang tagpuan.

.
Kung hindi man tayo magkita ngayon, sana sa susunod na bakasyon man lamang.

.
May gumuhit ng bulalakaw sa kalangitan. Parang nagkaroon ako ng kaunting pag-asa, kahit dati-rati ay hindi ako naniniwala sa paghiling sa bulalakaw.

..
Ngunit hindi ka nagpakita. (Itutuloy)